Search Box

Biyernes, Marso 5, 2010

Agrikultura ng Pilipinas

Ang Agrikultura ay produksyon ng pagkain. May tatlong pamamaraan ng Agrikultura at ito ay ang pagtatanim, pangingisda at pag-aalaga ng ng hayop.


Ang Pilipinas ay mayaman sa likas na yaman at isa dito ang Agrikultura. Ang regalo ng maykapal sa ating bansa ay dapat panglagaan at ingatan. Dahil ito ang susi ng kinabukasan. Mataba at malusog ang lupa ng Pilipinas kaya hindi nakapagtataka na mayaman tayo sa agrikultura.

Noong unang panahon, agrikultura ang dahilan kaya nasakop ng iba’t ibang bansa ang pilipinas tulad ng Espanya. Sinakop tayo ng Espanya dahil sa ating mga pananim gaya ng mga sangkap na pampaanghang tulad ng sili at sibuyas. Noon pa lamang ay marami nang nakatuklas na ang Pilipinas ay mayaman sa agrikultura dahil ang mga Pilipino noon ay maalaga at mapagmahal sa agrikultura. Kung ating ikukumpara ngayon masasabi nating ang mga Pilipino ngayon ay makasarili, dahil wala silang ginawa kundi mangarap na yumaman o magkatrabaho ng walang kahirap-hirap ngunit kumikita ng malaki. Wala nang nagnanais na mag-alaga sa ating kalikasan o agrikultura, dahil halos lahat ng mga Pilipino ay walang pinangarap kundi kumita ng malaki.

Ang agrikultura ng Pilipinas ay napabayaan na, isang halimbawa ang Rice Terraces. Ang mga katutubong igorot ay naghirap upang mabuo ang napakagandang rice terraces. PInagmamalaki natin sila dahil yoon ang kauna-unahang hagdan-hagdang palayan sa buong mundo, kaya isa ito sa mga dapat nating pangalagaan. Ngunit anong ginawa ng mga kasalukuyang igorot sa rice terraces. Pinabayaan na nila ang hagdan-hagdang palayan na dapat nilang alagaan dahil ninuno nila ang gumawa nito. Inakala nila na mababa ang estado ng pagtatanim, dahil hindi nila alam na pinaghirapan yon ng mga ninuno nila. Kaya tingnan mo ngayon ang pinagmamalaki nating rice terraces at kayo na humusga kung anong ginawa nila.

Isa pang halimbawa ang pagkainggit natin sa Amerika. Naiinggit tayo sa kanila sapagkat sa likod ng walang kahirap-hirap na trabaho ay napakalaki ng sweldo. Nagawa lang ng Amerika ang lahat ng ito dahil sila ay mayaman sa industriya samantalang tayo ay mayaman sa likas na yaman. Dapat maintindihan ng mga Pilipino na ang bawat bansa ay may natatanging yaman kaya hindi dapat magkainggitan.

Pangingibangbansa

             Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa iba't ibang panig ng mundo, na kinikilala at ikinararangal ng Pamahalaang Pilipinas bilang mga Bagong Bayani, ang marahil (bagama't di opisyal na inihahayag) ay pinakamainam na produktong pang-export ng bansa. Ang pagpunta ng isang Pilipino sa ibang bansa upang magtrabaho ay maraming maidudulot hindi lamang sa kanila ngunit maging sa ating bansa. Hindi lamang mabuti ang epekto o maidudulot nito sa atin dahil kung may mabuti may masama.


             Maraming mabuting naidulot ang pangingibang bansa ng kapwa natin Pilipino tulad na lamang ng pagtulong nila sa kani-kanilang mga pamilya. Nakakatulong rin sila sa pagtaas ng ekonomiya ng ating bansa kaya nga sinabi ng ating gobyerno na ang “OFW ang makabagong bayani ng ating bansa” dahil isa sila sa nagdadala ng dolyar sa ating bansa. Bukod dyan madadagdagan pa ang kanilang kaalaman tungkol sa mga bansa lalo na sa kanilang kasaysayan. Ayon nga sa aking kakilala “mapalad ka na pag ang pinapasukan mong amo ay mabait” dahil hindi ka na mahihirapan pa. Ilan lamang ito sa mga mabuting naidulot ng pagiging OFW. Nakapagreremit sila ng bilyun-bilyong dolyar na nakatutulong para mapanatiling nakalutang ang ekonomya ng bansa, kapalit ng pagkakawatak-watak ng ilang pamilya, pagkawasak ng ibang tahanan, at miserableng pamumuhay ng iba pa.Ngunit kung inaakala ng lahat na isang malaking oportunidad ang pangingibangbansa yan ay hindi totoo. Sapagkat marami ring masamang naidudulot ang pangingibangbansa at pangunahing dahilan nito ay ang brain drain,o pagkaubos ng lakas paggawa o pagkawala ng mga mahuhusay ng mga manggagawa sa bansa.

Martes, Marso 2, 2010

Kalagayan sa Pilipinas

Kalagayan ng Pilipinas
Para sa karaniwang mamamayan, kontrabida ang mga Jeepney Operator sa kanilang hinihinging dagdag pasahe. Lagi na lang daw bang mga pasahero ang babalikat ng parusang dulot ng patuloy na pagtaas ng pasahe.
Ang suliranin ng Pilipinas ay aking inihahalintulad sa pasahe na isa sa mga problema ng mga Pilipino. At masasabi kong sa maliit na bagay nagsisimula ng malaking suliranin, sapagkat ang pagtaas ng pasahe ay nagdudulot rin ng pagtaas ng bilihin. At sa oras na tumaas ang bilihin maaapektohan nito ang budget ng mga ordinaryong mamamayan at ang bawat isa ay mahihirapan nang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya kaya naman hihingi sila ng dagdag sweldo. Sa maikling paliwanag, ang maliit na suliranin tulad ng dagdag pasahe ay dapat nang solusyunansapagkat maaari itong magdulot ng malaking suliranin tulad ng kahirapan at kaguluhan. Masasabi nating kahit papaano ay ipinaglaban natin ang ating karapatan o opinyon patungkol sa patuloy na pagtaas ng pasahe. Pero hindi nagtagal, nakalimutan na natin ang ating ipinaglalaban at sumunod na lamang sa gusto ng mga Jeepney Operator. Hindi ba nila naisip na para saan pa ang ginawa nilang pakikipaglaban kung sa bandang huli ay kanila rin itong lilimutin. Yan ang mali nating mga Pilipino hindi natin pinapaglaban ang ating bansa ng may buong puso at tapang. Puro sa simula lang tayo lumalaban pero sa bandang huli basta na lang pababayaan.
Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi parin nakaaahon ang Pilipinas sa mga suliranin nito. Sapagkat maraming Pilipino ang nagbubulagbulagan sa mga nakikita niyang nangyayari sa ating bansa. At kahit alam niya ang solusyon at alam niyang may magagawa siya wala parin siyang gagawin at habang-buhay na lamang itatago ang kaniyang nalalaman. Ang bawat Pilipino ay kulang sa paninindigan, lakas ng loob at tapang. Ang tunay na Pilipino ay hindi nagpapatalo at humaharap sa hamon ng buhay. May magagawa ka pinoy!

-Celine=)